Colosas
KAPITULO 4
1 Mga panginoon, gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid at ang katampatan, yamang nalalaman ninyo na kayo ay mayroon ding isang Panginoon sa kalangitan.
D. Nananalangin nang may Katiyagaan
at Lumalakad sa Karunungan
4:2-6
2 1Mangagtiyaga kayo sa 2pananalangin, na 3nangagbabantay sa loob nito nang may pasasalamat,
3 Na tuloy ipanalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Diyos ang 1pinto 2para sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Kristo, na dahil din dito ay may mga tanikala ako,
4 Upang ito ay aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo nang may karunungan sa nangasalabas, 1tinutubos ang panahon.
6 Hayaan ninyo ang inyong pananalita na laging may 1biyaya, na natitimplahan ng 2asin, upang inyong malaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa.
IV. Konklusyon
4:7-18
A. Ang Pagsasalamuha ng Apostol
bb. 7-17
7 1Ang lahat ng bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, ang minamahal na kapatid at tapat na tagapaghain, at kasamang alipin sa Panginoon,
8 Na siyang isinugo ko sa inyo para sa mismong bagay na ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang kanyang aliwin ang inyong mga puso;
9 Na kasama ni Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng bagay rito.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kanya ay tinanggap na ninyo ang mga utos, Kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin siya),
11 At ni Hesus na tinatawag na Justo; na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa para sa kaharian ng Diyos, ang mga taong naging kaaliwan ko.
12 Binabati kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Kristo Hesus, na siyang laging nagpupunyagi dahil sa inyo sa pananalangin, upang kayo ay 1magsitatag na mga 2sakdal at lubos na tiwasay sa lahat ng 3kalooban ng Diyos.
13 Sapagka’t ako ay nagpapatotoo tungkol sa kanya na siya ay lubhang nagpapagal para sa inyo, at para sa mga nangasa Laodicea, at para sa mga nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at ang 1ekklesiang nasa 2kanyang bahay.
16 At pagkabasa ng sulat na ito sa inyo, ipabasa naman ninyo ito sa ekklesia ng mga taga-Laodicea, at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At sabihin ninyo kay Arquipo, Ingatan mo ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon, at tuparin mo ito.
B. Ang Pagbati ng Apostol
b. 18
18 Ang pagbati ay isinulat sa pamamagitan ng aking sariling kamay, akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya ay sumainyo nawa.